Wednesday, June 14, 2006

Small but Terrible

Two of my siblings are celebrating their birthdays this June. Si Qyle nung nakaraang 7. At si Ujane naman today.

Z-Y-X-W-V-U....Yup! Si Ujane ang ika-anim.

Sa magkakapatid, siya yata ang pinakamalambing. Lahat kami hindi expressive maliban sa kanya. There was a time na lahat kami naaartehan sa kanya pag nilalambing nya si Papa. Hahaha! Inggit lang siguro kami noon. Hehehe!

But Pinakamaliit din kaya nung bata pa iyan, 1/4 ang tawag namin sa kanya. At pagnagpipikunan sa bahay, maririnig mong tinatawag syang Unga.

Siya rin ang pinakasingkit at pinakahawig daw kay Mama kaya tawag sa kanya ng mga kapitbahay namin ay Vacion.

Pinakaathletic din. Lagi syang may pasalubong na medal pag intramurals. Siya din pala ang may pinakamaraming medals!

Birth mark ng isang San Juan ang kasungkian, maliban sa kanya. Pinakamaganda ang ngipin nya sa magkakapatid. I always tease her to take her dentures off when talking to me because they're too distracting. Hehehe!

Ang ganda rin ng boses nya. Bibo din kaya ang daming barkada. Maabilidad din at masipag pa. And she knows what she wants to do with her life. Magdodoktor daw sya.

And bukas she'll be leaving for LB with her Manoy Wylmond and Manay Veverle. Bukas she'll be placing another stone in the dream she's building.

So to my beautiful sister Ujane,
Goodluck sa UP! and Happy 18th Birthday!!

Wednesday, June 07, 2006

Para kay Bunso

This day, a decade ago, I was busy preparing for college life. I was going to leave for Laguna the following day. Super excited na ako dahil sa LB, lahat bago. Bagong titirahan. Bagong kaibigan. Bagong guro. Bagong eskwelahan. Bagong buhay. I was preoccupied with the life waiting for me there.

But before ako umalis, ipinanganak ang bunso naming kapatid na si Qyle John. Hindi ko man lang sya nakarga, he was still too fragile. But I had to go.

So I left. I was living my dream in LB. Kaya din siguro hindi man lang ako nahomesick kahit once.

Tapos isang bakasyon, umuwi ako sa amin. Hindi na baby si Qyle. He could already recognize people then. Nakakatayo na rin sya at nakakalakad. Pero nang nilapitan ko siya, nagtago sya sa likod ni Mama. He was afraid of me. I was a stranger to him. Ilang araw pa ang lumipas bago ko sya napalapit sa akin. Nababysit ko rin sya kahit sa maiksing panahon.

And then time flew. Faster that I could count the years.

Lumaki na rin sya. Hindi na kami back to square one pag-umuuwi ako pag school breaks. Natatandaan nya na rin ako. Nag-uusap na rin kami na para bang matanda na rin sya. At pag magluluto ako ng ulam sa bahay, gusto nya katulong sya lagi. At kahit saan ako pumunta, gusto nyang sumama. At ngayon pag-umuuwi ako galing Japan, lagi nyang tinatanong kung gaano ako katagal sa Naga. The answers I could muster everytime were too short for him.

Mukhang nalulungkot din sya. Unti-unti na rin kasing umaalis ang mga kapatid ko for college. This year, 4 na lang silang maiiwan sa Naga. At least once a year lang kami nagkikitakita.

Kaninang hapon nang tumawag ako sa amin para batiin sya, tinatanong ko sya kung ilang taon na sya ngayon. Sabi nya, hindi nya alam dahil hindi sya sigurado kung 1995 or 1996 sya pinanganak. 1996. Sabi ko sa kanya.

10 taon na pala!

Pero ngayon pa lang yata ako nahohomesick....

Happy Birthday Qyle!!!