Friday, March 25, 2005

Nakaraang taon

Nang nakaraang taon, maraming tao ang dumating at lumisan.
Mga taong minahal, minamahal at mahal na mahal......


Mga munting anghel
iniluwal sa daigdig
karugtong ng pusod at dugo

Kapatid na namayapa
Nagpatatag sa paniniwalang
May kabilang buhay

Mga kaibigang nilipad kalawakan
Upang magsimula ulit magbilang
Sa Isang taon ng kalayuan

Mga ninunong nilisan ng panahon
Mga ugat at haligi ng pagkatao
Utang na tanaw na di mabilang

Mga barkadang umuwi sa sariling lupain
Upang gampanan mga tungkuling
Pansamantalang tinalikuran

Nilalang na kay tagal ng hinintay
Na humayot wag ng lumingon pa
Paalam, paalam, paalam

Kasintahang panghihinayang
At mga alaala�t araw luha ang laman
Mga tanong meron nang kasagutan

Kaluluwang tugon sa dasal
Bukal ng kaligayahan
Duyan sa tulirong isipan

At sa mga kalaro ko pa sa karagatan
Sa paglangoy at pagsisid, salamat
Ikinagagalak ko kayong makasabay

Sunday, March 13, 2005

Salu-salu sa Karagatan

Gusto kong
Mamiesta sa Karagatan

Makinig
sa paglalambing ng dagat sa baybay
sa banayad na haplos ng alon
at sa malamyos na bulong ng hangin

Magbunyi
sa alindog ng tubig alat
sa tamang-tamang timpla ng init at lamig
sa nakakalinlang na lilim ng araw

Makipaglaro
sa mga alon sumakay, magpaanod
At minsan din nama�y
lumangoy kontra sa agos

Sisirin
ang lalim at babaw ng karagatan
lumangoy pa hanggat may lakas, may sigla
at kung pagod na'y
mahimlay sa bato batong
Puno ng karanasan

Ipunin ang mga mahihiwagang bato�t sigay
Mag-iwan ng bakas sa buhanging dalisay
Hayaang lusawin kahit sandali
Ang mga suliraning di pa maresolbahan

Languyin ang abot kamay
Isang sagwan, isa pa, isa pa
Hanggat marating ang ibayong asam
Hayaang ang kulay ng balat ang magsabing
Nagfiesta akot nagbanlaw sa tubig dagat

Ngunit sa bawat minutong kaulayaw ang karagatan
Sa bawat sandaling naglalaro sa araw
at pagdayo sa ibat ibang isla man
Kung di ikaw ang kahawak
Palaging may kulang

Pagkat ang pusoy laging
Nagsusumamong sanay
Ikaw ang kasabay