Nang nakaraang taon, maraming tao ang dumating at lumisan.
Mga taong minahal, minamahal at mahal na mahal......
Mga munting anghel
iniluwal sa daigdig
karugtong ng pusod at dugo
Kapatid na namayapa
Nagpatatag sa paniniwalang
May kabilang buhay
Mga kaibigang nilipad kalawakan
Upang magsimula ulit magbilang
Sa Isang taon ng kalayuan
Mga ninunong nilisan ng panahon
Mga ugat at haligi ng pagkatao
Utang na tanaw na di mabilang
Mga barkadang umuwi sa sariling lupain
Upang gampanan mga tungkuling
Pansamantalang tinalikuran
Nilalang na kay tagal ng hinintay
Na humayot wag ng lumingon pa
Paalam, paalam, paalam
Kasintahang panghihinayang
At mga alaala�t araw luha ang laman
Mga tanong meron nang kasagutan
Kaluluwang tugon sa dasal
Bukal ng kaligayahan
Duyan sa tulirong isipan
At sa mga kalaro ko pa sa karagatan
Sa paglangoy at pagsisid, salamat
Ikinagagalak ko kayong makasabay
Friday, March 25, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment