Tagtuyo
Parang isang poso sa Marso
Nakakapasong hawaka't
Kailangan ng isang tabo, dalawa
Uubusin pa ang balde
Para lang buhayin, sunduin ang tubig
Sa kaibuturan ng dating latian
Umaasa pa ring mawisikan
O kaya'y mahimasmasan
Dahil malayo pa ang tag-ulan