Wednesday, September 29, 2004

Katapusan ng Laro

Habang nilalambing ng unos
ang payong kong guso't balibaliko
Habang tumatampisaw sa baha
ang animo'y pasas na mga daliri
Habang pinipinturahan ng ulan
sa saplot ko't balat
Habang ang kapaligira'y nagdiriwang
sa karera ng butil ng tubig-langit
May bumubulong sa puso ko
Tapos na ang Laro sa Araw
Taglagas Na!


No comments: