Kanina nang tumawag ako sa bahay, di ko na inabutang gising ang mga kapatid ko maliban kay RR. Si RR ang ika-siyam sya sa magkakapatid. Onse anyos na ata sya ngayon. (Di ko kasi tandaan kung kelan sila pinanganak na taon, hehehe!).
Nakakatuwa sya! Kapag nag-uusap kami sa fone, madalas pinagprapractice-san nya ako ng English. Ang kwento naman ni Papa, susunod daw na Manny Pacquiao ang anak nyang ito. Sabi naman ng sunod sa akin na si Mimin, magaling daw na artist si RR. Sabi nya dapat nakita ko yung coconut tree he made using clay as the medium! Sabi rin ni Mimin, kakaiba daw mag-isip si RR. Nagkwekwento si sya na nung mas bata pa raw si RR nang once they asked him what he wanted to be paglaki nya, he answered, "Gusto kong maging janitor." When asked why, he answered, "kasi pagjanitor ka di mo na kailangan mag-isip masyado, gagawa ka na lang." Bata pa marunong ng magrason. Paano na lang kaya paglumaki pa yun! Hehehe!
So back to our fone conversation, bago ako nagpaalam, hiniritan ko si RR na, "Namimiss mo ako?" Sa family namin na taboo yung pagiging expressive, nakakatuwang mag-antay kung ano ang sasagot ng mga sibs ko pagmushy mushy ako. When he answered, "No, meron namang TV eh," di ako nabigla o nagtampo dahil di uso sa amin ang ganun. But then before ko binaba yung fone, he said, "Magkakan ka ning tultol para dai ka magkamakulog (Kain ka ng maayos para di ka magkasakit)." Hehehe! Di ko yun inaasahan. ang galing nyang bumawi! At ang sweet!
Isa pa lang si RR sa siyam na namiss ko ang paglaki. I can't wait to spend an ordinary day with them again. Makipag-away over tv channels, over the coveted living room seats, over our banyo, over housechores, over anything petty yet fun under our roof. hehehe! I even miss getting scolded by Mimin pagnakikipag-away pa rin ako sa mga kapatid ko, for not behaving the way the eldest should. Hahaha!
Meron na ako ngayong isasagot sa kanya, "namimiss ko kasing maging kapatid nyo eh." =)
4 comments:
... the best things in life are the ones you do with your loved ones...
... and the best moments are the ones you spend with them...
*hugs*
at ito'y mga bagay-bagay na abot kamay lang. in simplicity talaga, there is profound joy. ang saya ng buhay!
*mwah!
zarah, di ka na nagpramdam uli sa PP. busy ba? pag may time ka, daan ka lang anytime. at yun profile mo pala! :D
hi kris!! uy sorry po. hayaan mo pag maluwag-luwag na ang sked ko paparamdam na ulit ako. yung profile next week promise.
Post a Comment