Friday, August 11, 2006

Flashback

Some of my poems are flashbacks of events and emotions I felt years and years before.
Here is one of such poems:

June 29, 2004
(08.11.06)

Matagal na pinag-isipan
kung dadayo sa pagdiriwang.
Nagdadalawang isip kung
tatahakin muli ang daang pa-Kalbaryo.

Ngunit dahil kaibigan ang turingan
Kahit batid na
Sa muling pagkikita
puso'y muling mapipilay

Hindi na bale!
Magsasaklay na lang ang puso
maghihilom din naman
kahit di alam kung kelan.

Pagkat sa ngiti mo ay mapapangiti,
At mabubuhay na muli.
Dahil sa saya sa mga mata mo'y
maligaya na rin ako.

Makikisaya na rin
Nagpapasalamat din naman
Na buhay ka, nandito ka.
Nakilala ka, kaibigan ka.

Ngunit sa bawat minutong nandun ako
kada segundo ding nag-iisip
Kung kelan isusuot ang tsinelas
At iuwi ang pusong inuunos.

Napagdesisyunan na magdamag
sa iisang bubong ay palipasin
Susubukang makisalo, makisaya
sa mga dumalong kabarkada.

Matapos ang kainan
Nakihiga na rin kahit hindi makakatulog
pagkat puso'y kumikirot
parang pinipiga, dinudurog.

Kilitiin mo man ang mga paang
Sa kirot ay namanhid na.
Hindi na kayang panindigan
ng mga labi ang ngiting kanina'y pasan.

Naghihintay na lamang
na magbukang liwayway
Para makapagpaalam na
Maiuwi na ang mabigat na dala.

Nang inihatid kami sa may pintuan
di na makayang lumapit sa iyo
pagkat ang mga ngiti mo'y
hindi na kayang masuklian.

Lumayo dahil di nais na
makita mo na sa mga mata
na hindi puyat, kundi tamlay
ang doon nakahimlay.

Summer 2006

Sala sa Lamig
(08.11.06)

Mula sa bintana ng ikapitong palapag
Umaapoy na paligid naaaninag
Nag-aanyayang tumiwalag
Sa karangyaang ibinansag

Ngunit kahit nakakabulag
Ang liwanag sa labas
Mamarapating malusaw
Sa init ng Inang Araw

Kesa nakakulong sa kwartong walang rehas
Nakakulom sa huwad na lamig
Napapasma, nanginginig, namamanhid
Sa hanging lumalason sa silid.

Subalit pinaghehele, inaantok
sa uyaying kanta ng makinarya,
Nilulunod, nalulunod sa ugong
ang pangungulit ng nunal sa paa.

Thursday, August 10, 2006

Suway

Letting Go
(08.10.06)

Loosen your grip to Time's hand.
Let it go and bade goodbye
To all its caprices and ruminations
For its fancies you cannot afford
And Its spirit you cannot seize.

Let It fly with its arrogance
For Its humility pays homage not to you.
Remember, It dances not to your harp
But on Someone else's palm,
To Someone else's music.

Let Its charm
Brush your hair like the summer breeze,
But let not Its songs lure you
To dreams of would-, could-have-beens
For the melody will trick your soul.

Let Its wings own the wind.
Set It free
Though you were never Its master.
And do not forget, you were never Its slave
For freedom has always been your choice.

And though you were never Its parent,
Wean It away
For It need not your milk to live.
Also, don't seek its warmth, care and protection
Because nor are you Its child.

However, let It be a friend.
Let It be a part of your soul.
And Let the Greater Wisdom, teach you
That In your soul, Time dwells
And in Time, you live.

Tuesday, August 08, 2006

My Season

Summer Love
(08.07.06)


I love you
more than the Life
that summer brings,
more than its embracing Light
that wakes up my day,
more than its sweet night Breeze
that blows my nightmares away,
more than its festive Grandeur
and even more than its nude Simplicity.

I will...i hope and pray...love you
beyond summer,
beyond seasons,
beyond eternity.