Friday, May 20, 2005

Itik sa Gitna ng mga Gansa

Kahit nasabon ng duda't
Natuklasang kailangang mag-igib ulit
Ang bubon ng kapayakan

Nakapag-ipon din naman ng mga mali't
Mga baku-bakong kailangang patagin
Pati mga tanong na tutugunan

At kahit kumakalam ang utak
At sikmura'y walang laman
Mga mata'y puno ng pag-asa

May natira pa rin namang sigla't
Lakas ang basang pakpak
Para maabot ang pangarap
Na isinabit sa ulap

No comments: