Puyat sa sobrang tulog
At balisa sa kawalan
At bagamat mata'y matagal ng dilat
Liwanag ay di pa rin maaninag
Saan magsisimulang gumuhit?
Iguhit ang linya sa palad?
Paano?
May oras pa ba?
Isang maliit na hakbang
lang ay sapat na
para mabaybay ang
virgeng kalsadang
may bahid
ng tukso't abala
Bukas paggising
pipilitin ulit ibangon ang
mga natutulog
na pangarap
At iuunat
ang mga gusot
sa tinuping
larawan ng bukas
Friday, May 20, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
nacurious naman ako sa mga tula mo :)
kwento? :)
pagkita natin kwentuhan kita. sana matandaan ko pa. hahaha!
Post a Comment