Friday, June 17, 2005

hamon ng baha

animo'y nag-aanyaya, nananadya
na kababawan at kalaliman ng puwang
sa isang tingin ay di maarok

para maglaro ng luksong tinik
abutin ang kabilang ibayo
nang di nababasa ang takong

o kaya'y magtampisaw sa lubak
di alintanang lumusong para
makapa ng paa ang totoong dipa

No comments: