"Dalo tayo, imbitado kayo" sabi mo
"May pagdiriwang sa aming nayon
May handaan, kantahan..
Pangako ko, matutuwa kayo"
Hanggang sa sayawan, niyaya mo
Kahit di marunong umindak
Pinaunlakan ka, sabi mo kasi
Ikaw ang magdadala
Kaya't sa saliw ng musikang pinili mo
Itinuro sa akin ang kumpas ng kamay
ang bawat pagdampi ng mga paa sa sahig
ang pag-ikot, pagkembot ng baywang
Ngunit nang tinugtog ang unang nota
Walang pasabi'y bigla kang nawala
Basta na lamang binayaang
sa gitna ng entabladong nag-iisa
May kaba't alinlangan ma'y pinanindigan
ang kinabisadong sayaw na pangdalawahan
dobleng kayod, kumpas, kembot
hininga'y hinabol matapos lang ang tugtog
Nang mairaos ang huling indak
Nang hapo at mangiyak-ngiyak
Saka ko lang nabatid,
pinasayaw mo lang pala ang isip
Pero hindi naman ako galit
Diskompyado lang
Akala ko kasi talaga
walang iwanan
Monday, October 24, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment