Friday, October 28, 2005

Peace be with you

Pagkatapos ng mahabang panahong
Tinamnan mo ng galit at inanihan,
Natuto na ring magtanim at mag-ani,
At magtanim pa ulit at magkikim.

Hanggang kalyohin sa kasasaka ng tinik sa dibdib
Masinsinang diniligan ng tuyong mga luha ang itim na lupa
Inaabonohan din ng mga sumpang bisa�y di magiba-giba
At pinausukan pa ng asong lumalason sa kaluluwa

Ngunit sa bigat ng dinadala�y napagod na rin
Natantong mas maigi pang bunutin na lamang
Ang mga halamang di naman nagbubunga�t
Inuubos lamang ang lakas ng puso't katawan

Walang napapala ang paghihinagpis
Kundi ang mabaon sa utang kay Satanas,
Malason pa samahan ng iba
At maiwan ding duguan

Kaya�t pinag-ipunang mabuti ang pangtubos
Sa biyaya ng Diyos, ang nakasanla�y nabawi din
At nang tinimbang sa Kanyang butas na palad,
Ang puso ay kasinggaan na ng bulak

Kaya�t sa nalalapit na katapusan
Pagkikita ay inaasahan
Sa paghaharap nating muli
Hindi na takot o sumbat ang bitbit

Pero hindi pa rin naman handang
Makipagkamay at ngitian ka
Ang nais ko lang gawin ay ibulong
�Kapayapaa�y mapasaiyo na rin.�

No comments: