Friday, November 04, 2005

Somebody else will

Kapalit

Kasimbigat man ng tampipi mong bitbit
ang pusong ulila ng paglisan mo,
maluwag kong winawagayway ang palad
tanda ng kapayapaang nararamdaman.

Nagdurugo man sa iyong paghayo,
kampate ako na sa pupuntahan mo
may mga bagong mukhang
masisilayan at sa kanila
matatagpuan mo rin
ang kaibigan,
kasintahan,
at pamilyang
nahanap sa kandungan.

Alam ko, doon, may sasalo sa iyo.

Sana sa akin din.

****one of my overdue poems

No comments: