ang mga ngiting
umuusbong sa labi ko
at hinuhugasan ng batis
ang mga pangamba kong nakatuhog
sa kinakalawang na karayom
at hinahaplos ng ulan
ang buhol-buhol na sinulid
na maghahabi sa ating paraiso.
Sa iyong balintataw
unti-unting natatanaw
ang sumisikat na araw
sa butas ng panahing balaraw.
No comments:
Post a Comment