Wednesday, February 22, 2006

1.5833333

para kay marius

******

kasama

2-22-06, Guimaras


isasama kita


mula sa paglayag tuwing bukangliwayway
hanggang sa pagpintura ng araw sa kanluran


hanggang sa pagbuhay ng mga pangarap

sa pag-ukit ng mga tala

sa pagtanim ng pag-asa


hanggang sa bawat pagmulat

ng puso, ng isip at ng mga mata


sasamahan ka

2 comments:

Albert said...

mahal na mahal kita, ms. zarah (balabagan?) san juan *hugs*

Za said...

jonathan, fraction yun. 19/12. of time. 19 months and counting. =)hehehe!