Friday, February 03, 2006

35 days

After a year of absence, uuwi na ako ng Pinas! Sobrang excited na ako! Kaya nakaempake na ako months ago pa! hahaha!

Makikita ko na rin parents ko! mga kapatid ko! at ang aking dalawang cute na cute na pamangkin. Makikita ko na naman ang mga barkada ko!

Makakapunta na naman ako ng Guimaras! Makakapagtsinelas na naman ako! Pagpapawisan sa init! Makakalangoy sa dagat. Makakasakay na naman ako sa likod ng tricycle! Mawawala na naman ako kung saan saan, sa Manila, Zambales at Batangas. Hahaha!

Sa Naga, makakakain na naman ako ng sariwang tahong! Magyayabangan na naman kami nina Mama at Papa. At makakarga ko na naman ang lola kong seksi! Makakaaway ko na naman ang mga maliliit kong kapatid! Makikita ko rin ang bestfriend ko buntis!

Ang saya saya!

Ang dami-dami kong gustong gawin. Kaya lang kulang ang oras. Hay!

Pero sabi nga, kapag maiksi ang kumot, matutong mamaluktot.
Kaya tinandaan ko na ang days na pwedeng huminga.


+++++++++++++++++++++++++++++++

February
7 - Night flight: Tokyo to Manila
8* - Morning: Japanese Embassy, night bus to Bicol

9-10 Naga with Family

10 - Night bus to Manila
11* - Marikina: Preparation for Survey
12 - Iloilo to Manila

feb 12 - mar 2 - Guimaras (Survey)

march
2*- Flight back to Manila
3 - Manila to Zambales

3-5 Zambales (Survey)

5 - Zambales to Los Banos
6 - LB: Field Practice Closing Ceremony
7 - LB to Batangas

7-9 Batangas (Survey)

9 - Night Bus: Batangas to Naga

10-11 Naga

11 - Night bus to Manila
12* - Marikina: Preparation
13 - Morning flight: Manila-Tokyo

Note:
* Breather days

No comments: