Nang nakaraang taon, maraming tao ang dumating at lumisan.
Mga taong minahal, minamahal at mahal na mahal......
Mga munting anghel
iniluwal sa daigdig
karugtong ng pusod at dugo
Kapatid na namayapa
Nagpatatag sa paniniwalang
May kabilang buhay
Mga kaibigang nilipad kalawakan
Upang magsimula ulit magbilang
Sa Isang taon ng kalayuan
Mga ninunong nilisan ng panahon
Mga ugat at haligi ng pagkatao
Utang na tanaw na di mabilang
Mga barkadang umuwi sa sariling lupain
Upang gampanan mga tungkuling
Pansamantalang tinalikuran
Nilalang na kay tagal ng hinintay
Na humayot wag ng lumingon pa
Paalam, paalam, paalam
Kasintahang panghihinayang
At mga alaala�t araw luha ang laman
Mga tanong meron nang kasagutan
Kaluluwang tugon sa dasal
Bukal ng kaligayahan
Duyan sa tulirong isipan
At sa mga kalaro ko pa sa karagatan
Sa paglangoy at pagsisid, salamat
Ikinagagalak ko kayong makasabay
Friday, March 25, 2005
Sunday, March 13, 2005
Salu-salu sa Karagatan
Gusto kong
Mamiesta sa Karagatan
Makinig
sa paglalambing ng dagat sa baybay
sa banayad na haplos ng alon
at sa malamyos na bulong ng hangin
Magbunyi
sa alindog ng tubig alat
sa tamang-tamang timpla ng init at lamig
sa nakakalinlang na lilim ng araw
Makipaglaro
sa mga alon sumakay, magpaanod
At minsan din nama�y
lumangoy kontra sa agos
Sisirin
ang lalim at babaw ng karagatan
lumangoy pa hanggat may lakas, may sigla
at kung pagod na'y
mahimlay sa bato batong
Puno ng karanasan
Ipunin ang mga mahihiwagang bato�t sigay
Mag-iwan ng bakas sa buhanging dalisay
Hayaang lusawin kahit sandali
Ang mga suliraning di pa maresolbahan
Languyin ang abot kamay
Isang sagwan, isa pa, isa pa
Hanggat marating ang ibayong asam
Hayaang ang kulay ng balat ang magsabing
Nagfiesta akot nagbanlaw sa tubig dagat
Ngunit sa bawat minutong kaulayaw ang karagatan
Sa bawat sandaling naglalaro sa araw
at pagdayo sa ibat ibang isla man
Kung di ikaw ang kahawak
Palaging may kulang
Pagkat ang pusoy laging
Nagsusumamong sanay
Ikaw ang kasabay
Mamiesta sa Karagatan
Makinig
sa paglalambing ng dagat sa baybay
sa banayad na haplos ng alon
at sa malamyos na bulong ng hangin
Magbunyi
sa alindog ng tubig alat
sa tamang-tamang timpla ng init at lamig
sa nakakalinlang na lilim ng araw
Makipaglaro
sa mga alon sumakay, magpaanod
At minsan din nama�y
lumangoy kontra sa agos
Sisirin
ang lalim at babaw ng karagatan
lumangoy pa hanggat may lakas, may sigla
at kung pagod na'y
mahimlay sa bato batong
Puno ng karanasan
Ipunin ang mga mahihiwagang bato�t sigay
Mag-iwan ng bakas sa buhanging dalisay
Hayaang lusawin kahit sandali
Ang mga suliraning di pa maresolbahan
Languyin ang abot kamay
Isang sagwan, isa pa, isa pa
Hanggat marating ang ibayong asam
Hayaang ang kulay ng balat ang magsabing
Nagfiesta akot nagbanlaw sa tubig dagat
Ngunit sa bawat minutong kaulayaw ang karagatan
Sa bawat sandaling naglalaro sa araw
at pagdayo sa ibat ibang isla man
Kung di ikaw ang kahawak
Palaging may kulang
Pagkat ang pusoy laging
Nagsusumamong sanay
Ikaw ang kasabay
Thursday, February 17, 2005
Monday, January 24, 2005
�Nong Sol
| Di ko man maaninag
Ang liwanag ng iyong mukha Di ko man madama And init ng iyong pagmamahal Alam kong andyan ka lang Di ko man masilayan Ngiti sa�yong mga mata Ang Pagsayaw ng anino mong Dahon ang kaulayaw Itago ka man ng mga ulap Takpan at Linlangin Alam kong andyan ka lang Pagkat ang bawat araw ko�y Nagsisimula at Nagtatapos sa yo Matunaw man ng hangin ang init mo Alam kong andyan ka lang. At bukas maglalaro muli Sa lilim ng alindog mo Paikot ikot...isa-isang direction Iisa lang ang centro�ikaw lang |
Thursday, October 07, 2004
xybel
Mapapasaon
Matarayun
Magayunun
Makinisun
Maartihun
Gitilun
Gipradon
Makuliton
Pasawayun
Paraason
Padangatun
Matarayun
Magayunun
Makinisun
Maartihun
Gitilun
Gipradon
Makuliton
Pasawayun
Paraason
Padangatun
Wednesday, September 29, 2004
Katapusan ng Laro
Habang nilalambing ng unos
ang payong kong guso't balibaliko
Habang tumatampisaw sa baha
ang animo'y pasas na mga daliri
Habang pinipinturahan ng ulan
sa saplot ko't balat
Habang ang kapaligira'y nagdiriwang
sa karera ng butil ng tubig-langit
May bumubulong sa puso ko
Tapos na ang Laro sa Araw
Taglagas Na!
ang payong kong guso't balibaliko
Habang tumatampisaw sa baha
ang animo'y pasas na mga daliri
Habang pinipinturahan ng ulan
sa saplot ko't balat
Habang ang kapaligira'y nagdiriwang
sa karera ng butil ng tubig-langit
May bumubulong sa puso ko
Tapos na ang Laro sa Araw
Taglagas Na!
Saturday, July 24, 2004
di ko alam
Paano mo makikitang
Pag-ibig pala ay wagas
Paano mo madarama
Ang katotohanan sa bawat haplos
Paano mo maririnig
ang sigaw ng puso'y ikaw
Paano mo malalaman
tadhana'y kaabay
Paano mo matitikman
kaligayahang walang kapantay
Paano mo maabot
Kalangitang walang hangganan
Paano mo masisisid
Kahulugan ng buhay
...to be continued
Pag-ibig pala ay wagas
Paano mo madarama
Ang katotohanan sa bawat haplos
Paano mo maririnig
ang sigaw ng puso'y ikaw
Paano mo malalaman
tadhana'y kaabay
Paano mo matitikman
kaligayahang walang kapantay
Paano mo maabot
Kalangitang walang hangganan
Paano mo masisisid
Kahulugan ng buhay
...to be continued
a new chapter
when things fall into their place
and unfathomable thoughts are deciphered
when feelings meet serenely
and love overwhelms the soul
when fingers fit just right
and a single touch is eternity
when a smile makes burden tons lighter
and a single breath completes life
when i found you
and you found me
and unfathomable thoughts are deciphered
when feelings meet serenely
and love overwhelms the soul
when fingers fit just right
and a single touch is eternity
when a smile makes burden tons lighter
and a single breath completes life
when i found you
and you found me
Saturday, August 10, 2002
Subscribe to:
Posts (Atom)